Mga Dula

Maligayang pagdating! I-click ang link na ito para basahin ang Anak Ka Ng. Pinapaksa ng dula ang karanasan ng mga pamilyang binago ng diaspora ng mga Overseas Filipino Workers.

100105412_2931934163554815_6861194076218195968_o
Poster ng dulang Anak Ka Ng, para sa Virgin Labfest ng Cultural Center of the Philippines (disenyo ng poster ni Jason Panuelos)

Ikaw ba ay aktor o direktor na estudyante sa senior high school o kolehiyo? Interesado ka bang itanghal ang alinman sa mga dula ni U Eliserio? Makipag-ugnayan lang kay U Eliserio sa kanyang Facebook page.

I-click ang link na ito para panoorin sa Facebook ang stage reading ng dulang Hindi Ako si Darna nina Maynard Manansala at U Eliserio.

I-click ang link na ito para panoorin sa Facebook ang stage reading ng dulang Si Boy, si Manang, at Ako, Ako Lang Naman, si Lilly nina Maynard Manansala at U Eliserio.

Si U Eliserio din ang awtor ng koleksyong Mga Dulang Hindi Maitatanghal. Bahagi ito ng Freelipiniana Online Library ng Institute of Creative Writing ng University of the Philippines, Diliman. I-click ang link na ito para idownload ang Mga Dulang Hindi Maitatanghal.

Ko-awtor din si U Eliserio ng karamihan sa mga dula sa librong Kolab, na maaaring bilhin sa UP Press dito. Maaari din itong mabili sa kanilang Lazada page, dito, at sa kanilang Shoppee page, dito.