Takbo, Zombie, Takbo

Malapit na ang kasal ni Ivy. Mainitin ang ulo ni Angelo, pero mahal n’ya ito.

Nagbago ang lahat nang makilala n’ya ang bestfriend ni Angelo, ang best man sana sa kanilang kasal — si Renzo.

Kay Renzo, bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Kay Renzo, masaya s’ya. Kay Renzo na lang kaya s’ya magpakasal?