Kingdom: Ashin of the North

Galing na galing ako sa twist ng My Sassy Girl (dir. Kwak Jae-yong, 2001), talagang hindi ko naisip na sila pala magkakatuluyan sa huli. Nagkaroon na rin siguro kasi ako ng ideya tungkol sa mga teksto mula sa Timog Korea, na hindi sila takot sa malungkot na katapusan (A Rosy Life, Memories of Bangkok). Hindi … Continue reading Kingdom: Ashin of the North

Good Girls/Manifest

Ang Manifest ang patunay na tanging colonial mentality lamang ang dahilan kung bakit pakiramdam natin ang galing-galing ng mga palabas mula sa Estados Unidos. Kapantay ng sa GMA 7 ang special effects na gamit dito. Kung lahat ng Filipinong palabas gagawin nating 6 hanggang 13 episodes lang, sa tingin ko magkakaroon ng muling pagsibol sa ating industriya … Continue reading Good Girls/Manifest

Curb Your Enthusiasm/Kim’s Convenience

Mali bang ikumpara ang Kim's Convience sa Curb Your Enthusiasm? Pareho naman silang may bidang kalbo na panay politically incorrect ang sinasabi. Sa figura ni Kim Sang Il (Paul Sun-Hyung Lee) at Larry David (Larry David), nagagawa ng dalawang palabas na gawing katanggap-tanggap ang pagjoke tungkol sa mga "hindi katanggap-tanggap na bagay." Mas marami lang … Continue reading Curb Your Enthusiasm/Kim’s Convenience

47 Ronin

Gagamitin ko sa pagsusuring ito ang metodong 10/40/70 ni Nicholas Rombes. Ipo-pause ko ang app sa ika-10, ika-40, at ika-70 minuto ng pelikulang 47 Ronin (dir. Rinch, 2013), at ang mga frame na ito ang magiging lunsaran ng aking kritisismo. Photo by cottonbro on Pexels.com 10: Naglalakad sa hallway si Kira (Tadanobu Asano), may kasunod … Continue reading 47 Ronin

Pumayat, Yumaman, Umibig

Photo by Pixabay on Pexels.com Lumabas po sa Tomas: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies, Volume 3, Issue 2, ang malikhaing sanaysay (creative non-fiction) na "Pumayat, Yumaman, Umibig: Hindi Ako Relihiyoso Pero Espiritwal Akong Tao" ni U Eliserio. I-click ito para i-download ang "Pumayat, Yumaman, Umibig."

Sunod sa Diyos, ang Estados Unidos

Lumabas na ang dalawang tomo ng Dx Machina. Kasama ako sa ikalawang tomo, na inedit ni Rolando Tolentino. Maaari itong idownload dito. Bilang patikim, narito ang excerpt mula sa tula kong "Sunod sa Diyos, ang Estados Unidos": Humuhulagposat umaawit:“Luwalhati sa COVID!”Nasusunog ang Amazonat bilanggo tayo ng pag-ibig.Parang Bomba,gustokongbasahin:COVID!COVID!COVID!Pinupuri ko ang COVIDat pinupuri koang aking pagpuri.