Radiance

Isa sa mga pinakamahusay na eksena sa medyo magandang pelikulang ito’y nang makipagkita ang nabubulag nang photographer na si Masaya Nakamori (Masatoshi Nagase) sa kanyang mga kaibigan. Ang isa’y hindi sensitibo sa kanyang damdamin, at nagsalita tungkol sa kung paanong hindi nito matitiis na magaya sa sitwasyon ni Nakamori. Ang isa naman, ipinagmalaki ang pagkalagay … Continue reading Radiance

Curb Your Enthusiasm/Kim’s Convenience

Mali bang ikumpara ang Kim's Convience sa Curb Your Enthusiasm? Pareho naman silang may bidang kalbo na panay politically incorrect ang sinasabi. Sa figura ni Kim Sang Il (Paul Sun-Hyung Lee) at Larry David (Larry David), nagagawa ng dalawang palabas na gawing katanggap-tanggap ang pagjoke tungkol sa mga "hindi katanggap-tanggap na bagay." Mas marami lang … Continue reading Curb Your Enthusiasm/Kim’s Convenience

47 Ronin

Gagamitin ko sa pagsusuring ito ang metodong 10/40/70 ni Nicholas Rombes. Ipo-pause ko ang app sa ika-10, ika-40, at ika-70 minuto ng pelikulang 47 Ronin (dir. Rinch, 2013), at ang mga frame na ito ang magiging lunsaran ng aking kritisismo. Photo by cottonbro on Pexels.com 10: Naglalakad sa hallway si Kira (Tadanobu Asano), may kasunod … Continue reading 47 Ronin

Pumayat, Yumaman, Umibig

Photo by Pixabay on Pexels.com Lumabas po sa Tomas: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies, Volume 3, Issue 2, ang malikhaing sanaysay (creative non-fiction) na "Pumayat, Yumaman, Umibig: Hindi Ako Relihiyoso Pero Espiritwal Akong Tao" ni U Eliserio. I-click ito para i-download ang "Pumayat, Yumaman, Umibig."

Sunod sa Diyos, ang Estados Unidos

Lumabas na ang dalawang tomo ng Dx Machina. Kasama ako sa ikalawang tomo, na inedit ni Rolando Tolentino. Maaari itong idownload dito. Bilang patikim, narito ang excerpt mula sa tula kong "Sunod sa Diyos, ang Estados Unidos": Humuhulagposat umaawit:“Luwalhati sa COVID!”Nasusunog ang Amazonat bilanggo tayo ng pag-ibig.Parang Bomba,gustokongbasahin:COVID!COVID!COVID!Pinupuri ko ang COVIDat pinupuri koang aking pagpuri.