Kingdom: Ashin of the North

Galing na galing ako sa twist ng My Sassy Girl (dir. Kwak Jae-yong, 2001), talagang hindi ko naisip na sila pala magkakatuluyan sa huli. Nagkaroon na rin siguro kasi ako ng ideya tungkol sa mga teksto mula sa Timog Korea, na hindi sila takot sa malungkot na katapusan (A Rosy Life, Memories of Bangkok). Hindi ko nagustuhan ang Windstruck (dir. Kwak Jae-yong, 2004), dahil pakiramdam ko pagtataksil ito sa Sassy (dahil sa isyu ng continuity).

Photo by Francesco Ungaro on Pexels.com

Sidequel daw ang tawag dito sa Ashin of the North, na hindi ko iiindika ang direktor, dahil hindi naman ito pelikula. Hindi ko na papasukin ang isyu ng reboot, remake, prequel, dahil, bagaman naniniwala akong mahirap ngang gumawa ng magandang pelikula o palabas na nakaset bago ang nagustuhan ko nang pelikula o palabas, mahirap din namang gumawa ng pelikula o palabas na “bago,” na hindi parasitiko sa ganito o ganireng teksto. Kasing ganda ba ito ng unang dalawang season ng Kingdom? Syempre hindi. Pinanood ko ang dalawang iyon sa kalagitnaan ng lockdown, ibig sabihin, naramdaman ko ang pag-abandona sa akin ng gobyerno para kainin ng mga zombie, dahil hindi mahal ng mga nasa kapangyarihan ang bayan. Ang gusto lang nila ay higit pang kapangyarihan. Oo, ako nga si Lee Chang (Ju Ji-hoon).

Ito ang masasabi ko sa Ashin: gusto ko ang twist nito. Ang totoo, hindi ko naisip na ginawang zombie ni Ashin (Jun Ji-hyun) ang kanyang mga kababayan. Gusto ko sana ng isa pang dagdag na twist: na buhay (hindi zombie) ang kanyang nanay, dahil hindi na ito pinatay pa ng mga kalaban, tutal naman ay naghihingalo na. 

Nagustuhan ko rin ang isa pang twist ng palabas, na sinet up ni Min Chi-rok (Park Byung-eon) ang bayan ni Ashin para hindi magkaroon (o hindi agad magkaroon) ng gera sa pagitan ng Joseon at Jurchen. Hindi ko lang nagustuhan kung paano natuklasan ni Ashin ang sikreto. Talaga bang isusulat ni Min ang kanyang ginawa? Pwede rin namang hindi eksaktong iyon ang nakasulat, kumbaga’y naisip pagtagni-tagni lang ni Ashin ang nangyari, at tayong mga nakapanood ng flashback ang may mas klarong impormasyon. Kung sabagay, ako nga’y sulat nang sulat sa diary ko ng mga masama kong ginawa at plano kong kabuktutan.


Ibang uri naman ng kabuktutan ang tinakalay sa Ten (dir. Abbas Kiarostami, 2002): ang kabuktutan ng patriarkal na lipunan. Ang constraint ng pelikula: 99% porsyento ng mga eksena ay medium close-up shot ng walang pangalang bida (Mania Akbari) at ng kanyang pasahero (99.9% ng pelikula’y naganap sa kotse). Binubuo ng sampung sakay ang pelikula, at tatlo dito’y ang anak na lalake ng driver, si Amin (Amina Maher). Ang batang ito ang pinakabuktot na bata na naengkwentro ko sa kahit anong medium. Wala s’yang ginawa kundi sigawan at awayin ang nanay n’ya. (Nakakatawa pag namimintis si Amina pero nagagawa pa rin nilang dalawa na saluhin ang eksena. Tunay na mag-ina si Mania at Amina.) Gusto ni Amin ng “normal” na nanay, na magluluto at hindi labas nang labas ng bahay para magtrabaho at maggala. Ang mga ganitong bata ay dapat ipakain sa zombie.  

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s