Good Girls/Manifest

Ang Manifest ang patunay na tanging colonial mentality lamang ang dahilan kung bakit pakiramdam natin ang galing-galing ng mga palabas mula sa Estados Unidos. Kapantay ng sa GMA 7 ang special effects na gamit dito. Kung lahat ng Filipinong palabas gagawin nating 6 hanggang 13 episodes lang, sa tingin ko magkakaroon ng muling pagsibol sa ating industriya ng telebisyon.

Photo by Stefan Stefancik on Pexels.com


Talagang hindi ka dapat magtiwala pag nangako sa teaser at ad ang isang palabas na ilalantad na nito ang sagot sa mga misteryo. Matutulad sa Lost (i.e. hindi cool ang solusyon), o matutulad sa Manifest (i.e. hindi naman talaga ilalahahad ang katotohanan). Maraming nangyari sa season na ito, pero pakiramdam ko wala namang pag-usad sa pangkalahatang naratibo. Marami pa ring mahusay na episode, at napawow talaga ako nang maglaho si Cal (Jack Messina) sa huling bahagi ng episode 12, at napawow uit nang magbalik siya nang matanda na (Ty Doran), para magpaalam sa namamatay na Grace (Athena Karkanis). Pagkatapos ng tatlong seasons, mainam na ring may namatay na bida.


Hindi naman sa gusto kong maging Game of Thrones lahat ng palabas, pero kailangan bawat season may namamatay (at hindi katulad ni Vance [Darly Edwards] na bumalik lang din sa buhay). 


Nabanggit na rin naman ang kamatayan ng mga tauhan, buti na nga lang at pinatay nila si Jim Turner (James Lesure) sa season 3 ng Good Girls. Nga lang, ayaw pa rin nileng patayin si Rio (Manny Montana). Naging tuloy para s’yang super mastermind, kaya humina tuloy ang banghay ng season 4. Paano nila mapapalabas na may mas mataas pa ang ranggo kay Rio kung para s’yang imortal? Dapat ay isa-isa lang ang pinapatay na tauhan kada season. Dapat si Boomer (David Hornsby) sa season 1, is Jim nung season 2, si Lucy (Charlyne Yi) sa season 3, at sa wakas si Rio sa season 4.


Sa isang banda, binubuhay ang palabas ng husay nitong magpatawa. Kahit anong linya naman ni Annie nabebenta ni Mae Whitman. Dapat nga wag na sling magpanggap na drama. Pinakanakakainis ang banghay ni Beth (Christina Hendricks), e s’ya ‘yung bida! 


May ligaya din sa panonood ng ganitong uri ng palabas, iyong hindi “prestige TV.” (Tulad ng punyetang The Wire, na dalawang episode lang ang napanood ko.) Pwede kang hindi masyadong tumutok at wala kang mamimiss na importanteng detalyeng uungkatin lang sa finale. Hindi masyadong paimportante. Iyon bang, pagkatapos mong manood, ‘yun na ‘yun. Palabas sa telebisyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s